5 Barangay sa Muntinlupa, 11-oras mawawalan ng suplay ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2017 - 10:01 AM

Photo from Maynilad
Photo from Maynilad

Makararanas ng water service interruption ang limang barangay sa Muntinlupa City ngayong araw ng Martes, February 28, 2017.

Sa abiso ng Maynilad, apektado ng interruption ang Alabang, Bayanan, Poblacion, Putatan at Tunasan.

Ang nasabing mga barangay ay maaring makararanas ng mahinang suplay hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig mula alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 11:00 ng gabi.

Sinabi ng Maynilad na may isinasagawa kasing maintenance activity sa water treatment plant sa Muntinlupa kaya kailangang ipatupad ang water service interruption.

Sa mga apektadong residente na mangangailangan ng rasyon ng tubig, maaring tumawag sa 737-3311.

Tiniyak naman ng Maynilad na agad ibabalik sa normal ang suplay ng tubig kapag natapos na ang pagsasaayos.

 

 

TAGS: Muntinlupa City, public service, water service interruption, Muntinlupa City, public service, water service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.