Kasong “misrepresentation” vs. Sen. Grace Poe, isinampa sa Comelec
Sinampahan ng kasong election offense ni dating Kapatiran senatorial candidate Rizalito David si Senator Grace Poe sa Commission on Elections (Comelec).
Sa kaniyang inihaing kaso sa Comelec sinabi ni David na nagkaroon ng “misrepresentation” sa panig ni Poe nang isulat nito sa kaniyang Certificate of Candidacy (COC) noong taong 2013 na siya ay isang natural born Filipino citizen.
Ang kaso ay inihain ni David sa Comelec Law department.
Sinabi ni David na dahil hindi tiyak kung talagang natural born Filipino citizen si Poe, nangangahulugan lamang na hindi ito pwedeng tumakbo sa pagka-Senador noong 2013 elections.
Si David din ang nagsampa ng kaso laban kay Poe sa Senate Electoral Tribunal (SET) kaugnay sa parehong isyu.
Kasabay nito ay iginiit ni David na walang kahit na sinong pulitiko na nasa likod niya sa ginagawa niyang pagsasampa ng kaso laban kay Poe./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.