Pagkuha sa testimonya ni Mary Jane Veloso, itinakda na

By Kabie Aenlle February 27, 2017 - 04:33 AM

 

Pinayagan na ng Nueva Ecija Regional Trial Court (RTC) ang prosekusyon na kunin ang deposition ng convicted drug trafficker na si Mary Jane Veloso.

Sa inilabas na resolusyon ni Hon. Anarica Castillo-Reyes, itinakda na sa April 27, 2017 ang pagdinig ng prosekusyon sa testimonya ni Veloso.

Ayon sa abogado ni Veloso at presidente ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) na si Atty. Edre Olalia, mangangahulugan ito na maari nang gawing ebidensya sa korte ang buong storya ni Veloso laban sa kaniyang mga illegal recruiters.

Gaganapin aniya ito sa Yogyakarta prison, kung saan magsisilbing observer si Judge Castillo-Reyes, na dadaluhan rin ng mga abogado ng NUPL, state proseuctors mula sa Department of Justice, mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs at mga abogado ng kaniyang recruiters.

Dagdag pa ni Olalia, isa na naman itong legal vindication para kay Veloso at sa kaniyang pamilya.

Sa wakas aniya ay malaya na niyang maibibigay ni Veloso ang kabuuan ng mga pangyayari at ng kaniyang kinahinatnan, na kikilalanin ng korte dito sa Pilipinas.

Umaasa naman ang pamilya Veloso na wala nang makakahadlang pa sa prosesong ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.