Mga napatay, nagsisuko at nahuling rebelde, umabot sa 80 sa loob ng isang buwan
Hindi bababa sa 80 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi, naaresto o di-kaya’y sumuko na ng puwersa ng gobyerno mula nang suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa rebeldeng grupo.
Ayon kay AFP Public Affairs Office chief, Col. Edgard Arevalo, sa naturang bilang, 14 ang napatay, 17 ang nahuli samantalang nasa 51 ang nagsisuko sa loob lamang ng isang buwan.
Dahil din aniya sa pinaigting na kampanya laban sa NPA, maraming mga grupo ang nagmumungkahing maglunsad ng mga ‘localized’ peace talks.
Sa pamamagitan aniya nito, ang mismong mga rebelde na nasa kabundukan ang makikipag-usap sa kanilang mga ‘counterpart’ upang matuloy ang usapang pangkapayapaan.
Umaasa rin aniya ang mga ito na matutuloy rin sa lalong madaling panahon ang peace talks sa pagitan ng kanilang national leaders at gobyerno upang hindi na tumagal pa ang gyera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.