Susunod ang mga kongresistang miyembro ng Magdalo party list sa pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV na kakalas na sila bilang coalition member ng Liberal Party o LP.
Ayon kay Rep. Ashley Acedillo, mula’t sapul ay nilinaw na ni Trillanes na magtatapos ang alyansa ng Magdalo Party list sa Liberal Party kapag bababa na sa pwesto si Pangulong Benigno Aquino III.
Ipinagmalaki naman ni Acedillo ang mga natamo ng Magdalo party list sa kamara, mula noong maupo sila sa pwesto at maging bahagi ng administration coalition sa kapulungan.
Gayunman, ang ilang bagay aniya ay may hangganan, gaya ng relasyon ng Magdalo Group sa partido Liberal. “Sen. Trillanes put it accurately when he said that the Magdalo Party’s coalition with the Liberal Party will end by the time President Aquino steps down, similar to the other parties that were in coalition with the President since 2010,” ayon kay Acedillo.
Tiniyak naman ni Acedillo na dadalhin ng kanilang grupo ang Vice Presidential Bid ni Trillanes sa 2016 Elections.
Pagdating naman kung sino ang susuportahang kandidato sa pagka-Pangulo, sinabi ni Acedillo na nagsasagawa pa sila ng diskusyon kaugnay dito at posibleng maglabas ng desisyon sa mga susunod na linggo.
Pero ikakampanya umano nila ang isang presidential candidate na magdalala ng pag-asa at magtutupad ng pangarap ng mga Pilipino./ Isa Avendaño-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.