2 sundalo, sugatan sa ikinasang anti-drug raid sa Maguindanao

By Mariel Cruz February 26, 2017 - 10:46 AM

BRGY LIPAO
Video grab from 33rd Infantry Makabayan Battalion

Sugatan ang dalawang sundalo sa isang anti-drug operation na isinagawa sa Datu Paglas, Maguindanao.

Pinangunahan ni Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 33rd Infantry Battalion, ang nasabing operasyon sa Barangay Lipao laban kay Abdulatip Pendaliday alyas Commander “Grass Cutter”.

Si Pendaliday ay isa sa mga hinihinalang bigtime druglord sa Maguindanao na sumuko na sa Oplan Tokhang noong nakaraang taon.

Ayon kay Cabunoc, ni-raid ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-ARMM at mga miyembro ng 33rd IB ang dalawang safe house ni Pendaliday sa gitna ng isang banana plantation sa Barangay Lipao, bandang alas kwatro ng madaling araw.

Pero nagresulta ng operasyon sa pagpapalitan ng putok ng baril sa dalawang panig na tumagal ng halos labing limang minuto.

Nagawang makatakas ng mga suspek kabilang na si Pendaliday pero dalawa sa kanyang mga tauhan ang nasugatan at naaresto.

Narekober sa safe house ang mahigit P500,000 halaga ng bawal na gamot, drug paraphernalia, cash at isang M-16 assault rifle.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.