Duterte supporters patuloy ang pagdagsa sa Luneta
Pasado alas-sais ng gabi kanina ay umabot na sa 400,000 ang bilang ng mga tao na dumating sa Quirino Grandstrand sa Luneta para sa pagtitipon na inorganisa ng mga pro-Duterte groups.
Ilang mga opisyal na rin ng pamahalaan ang nakita sa venue tulad nina Justice Sec. Vitaliano Aguirre at Health Sec. Pauline Ubial.
Ang nasabing freedom rally at vigil ay sinabing lalahukan ng isang milyong katao ayon sa paunang pahayag na sinabi ng mga taga-suporta ng pangulo.
Sinabi ng Manila Police District na nagtalaga sila ng sapat na mga tauhan para bantayan ang seguridad sa lugar.
Sinabayan ng mga nagtitinda ng mga Duterte items ang isinasagawang rally sa Luneta Park.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.