Isa sa mga akusado sa pagpatay kay Jee Ick Joo, nais maglagak ng piyansa

By Kabie Aenlle February 25, 2017 - 05:18 AM

jee ick jooHumiling ang isa sa mga akusado sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo sa korte sa Angeles City, Pampanga na payagan siyang makapag-piyansa.

Sa petisyon na inihain ni Ramon Yalung, iginiit niya na hindi natukoy sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na kasama siya sa mga dumukot at pumatay sa negosyante.

Hindi rin aniya siya itinuro ng mga kapwa niya akusado na sina SPO4 Roy Villegas at Jerry Omlang bilang kasabwat, gayong umamin na ang dalawa sa kanilang partisipasyon sa krimen.

Maging ang presensya ni Yalung ay hindi rin nabanggit ng mga suspek.

Nadamay lang aniya ang kaniyang pangalan dahil nakitang bumuntot sa sasakyang dumukot kay Jee ang isang Toyota Innova na may plakang TXS-763 na pag-aari ng kaniyang ina.

Gayunman, nilinaw niya na ang naturang sasakyan ay inupahan mula pa noong July 2016 sa isang Koreanong tinukoy niyang si Lee Seung Tae.

Paliwanag pa ni Yalung na noong October 18 kung kailan dinukot si Jee, kasama niya ang dati niyang amo para pag-usapan ang kanilang negosyo, bumisita rin siya sa kaniyang ina, nakausap ang kasintahan sa Messenger, at dumalo pa siya sa send-off party ng isang kaibigan sa Angeles City kinagabihan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.