Duterte: Peace talks sa mga Moro, maaring madiskaril dahil sa extremism

By Kabie Aenlle February 25, 2017 - 05:14 AM

duterte palaceNanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Moro fighters na iwasan at itaboy ang extremism, dahil tiyak na ikadidiskaril ito ng pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi ito ng pangulo sa paglulunsad ng 21 miyembro ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) na bubuo ng panukala sa pagbuo ng bagong Bangsamoro region.

Ayon kay Duterte, naniniwala siyang magiging mahirap para sa mga miyembro ng BTC na gawin ito, ngunit kailangan nilang mag-pursige dahil ito ang daan patungo sa kapayapaan.

Malaki rin ang gagampanang tungkulin ng BTC sa implementasyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang BTC ay binubuo ng 11 miyembro mula sa MILF, at 10 naman mula sa pamahalaan.

Ipauubaya na rin ni Duterte sa BTC ang gagawin para dito dahil sila ang mas nakakaalam sa kasaysayan, populasyon at ang mga nakagawian na ng mga tribo sa Mindanao.

Ipinangako rin ng pangulo ang kaniyang buong suporta sa pagsusulong ng Bangsamoro law.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.