Sen. Trillanes, unang bisita ni Sen. De Lima sa PNP Custodial Center
Patuloy ang pagdating ng mga dalaw sa PNP Custodial Center kay Senator Leila de Lima.
Unang bisita na namataan sa Camp Crame si Senator Antonio Trillanes na dumating at pumasok 4:15 ng hapon kasama ang isa sa kanyang staff.
Sumunod naman si dating CHR Chairperson Etta Rosales na dumating bandang 4:40 ng hapon. Pero hindi siya pinayagan na makapasok dahil ayon sa bantay ihinihingi pa ng clearance si Rosales para makapasok.
Samantala sa panayam kay Trillanes paglabas nito sa custodial center sinabi nito na nananatili in high spirits si Senator de Lima.
Ok naman aniya sa loob at maayos naman ang pakiramdam at umaasa na ang mga ginagawa niya bilang senadora ay magawa niya sa loob nitong custodial center.
Bagaman ayon kay Trillanes walang naipasok na gadget tulad ng laptop o cellphone ang senadora.
Samantala, nagbanta naman si Trillanes kay Pangulong Duterte at nangakong hahabulin itong pangulo pagbaba niya sa pwesto
Tinawag pa nitong monster ang pangulo at malinaw umano na may chilling effect ang ginawang pagpapakulong kay Sen. de Lima / Ruel Perez
Sen Trillanes, unang bisita ni Sen de Lima sa loob ng PNP Custodial Center sa Kampo Crame @dzIQ990 pic.twitter.com/AxEajmfneM
— ruel perez (@iamruelperez) February 24, 2017
Watch: former CHR Chperson Etta Rosales, di pinayagan makapasok sa PNP Custodial Center para madalaw si Sen de Lima @dzIQ990 pic.twitter.com/TkW6wvHEze
— ruel perez (@iamruelperez) February 24, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.