Dating bodyguard-boyfriend ni De Lima na si Ronie Dayan, nakakulong na sa Muntinlupa Police station

By Dona Dominguez-Cargullo February 24, 2017 - 03:18 PM

Kuha ni Ruel Perez
Radyo Inquirer File Photo | Kuha ni Ruel Perez

Nakakulong na sa Muntinlupa City Police station si Ronie Dayan na dating driver at boyfriend ni Senator Leila De Lima.

Ito ay makaraang arestuhin kagabi si Dayan ng mga otoridad mula sa kaniyang bahay sa Urbiztondo, Pangasinan.

Si Dayan ay maagang ibinyahe ng mga tauhan ng Urbiztondo Police mula Pangasinan patungo sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC).

Pero hindi na bumaba ng sasakyan si Dayan nang dumating ito sa korte at sa halip ay loob na lamang ng sasakyan ipinroseso ang return of warrant.

Agad ding umalis ang convoy para dalhin si Dayan sa Muntinlupa Police station.

Nakabukod si Dayan sa iba pang preso na nasa Muntinlupa Police station at mag-isa ito sa isang 10 square meter detention cell.

Samantala, sinabi naman ng kapatid ni Dayan na si Loreta na wala silang sama ng loob kay De Lima matapos ang pangyayari.

Sinabi din ni Ginang Loreta na ibinilin na sa kanila ni Dayan ang kaniyang mga anak at mga apo.

“Wala kaming sama ng loob sa kaniya, napakabait po niya,” sinabi ni Ginang Loreta na kapatid ni Dayan.

 


 

 

TAGS: bilibid drug trade, leila de lima, Ronie Dayan, bilibid drug trade, leila de lima, Ronie Dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.