LP Senators, nangangamba para sa seguridad ni Sen. De Lima
Nagpalabas ng pahayag ang mga senador mula sa Liberal Party (LP) matapos maaresto ang kanilang kapartido na si Senator Leila De Lima.
Ayon sa joint statement nina LP Senators Kiko Pangilinan, Franklin Drilon at Bam Aquino, nangangamba sila para sa seguridad ng senadora.
Ito ay dahil sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) mananatili si De Lima.
Ayon sa tatlong LP senators, hindi naman lingid sa kaalaman na ang Korean na si Jee Ick Joo ay nasawi sa loob mismo ng Camp Crame.
Binanggit din nila si dating Albuera Mayor Espinosa na nasawi habang nasa bilangguan.
Samantala, sa hiwalay na pahayag sinabi ni Sen. Aquino na nakadidismaya kung paanong i-railroad ng administrasyon ang proseso ng batas para lamang sa political vendetta.
Apela ni Aquino, dapat garantiyahan ng administrasyon ni Duterte ang kaligtasan ni De Lima habang nakabilanggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.