CHED, nagbigay paglilinaw sa inilabas na moratorium sa field trip

By Dona Dominguez-Cargullo February 24, 2017 - 11:47 AM

CHED MemoMatapos ulanin ng katanungan at agam-agam mula sa mga paaralan, nagpalabas ng paglilinaw ang Commission on Higher Education (CHED) hinggil sa ipinatupad nitong moratorium sa pagdaraos ng field trips at iba pang kahalintulad na aktibidad, makaraan ang aksidenteng naganap sa Tanay Rizal noong Lunes.

Sa Memorandum na nilagdaan ni CHED Chairperson Patricia Licuanan, binigyang-linaw nito ang mga aktibidad na hindi sakop ng umiiral na moratorium.

Kabilang sa exempted o hindi sakop ng moratorium ay ang ‘internship’, local man o abroad, kabilang na ang on-the-job training, practicum, field instruction, field study at ship board training.

Exempted din sa ipagbabawal ang mga international educational trips, gayundin ang international educational linkages na sponsored o inindorso ng national government.

Para sa iba pang school activities na hindi sakop o hindi nabanggit ng CHED, pinayuhan ang mga paaralan na makipag-ugnayan muna sa regional office ng komisyon bago gawin ang aktibidad.

Ito ay para matukoy ng CHED regional office sa pamamagitan ng evaluation kung sakop ba ito ng moratorium.

Magugunitang ang CHED ay nagpatupad ng temporary ban sa field trips sa mga public at private universities.

Ito ay matapos masawi sa aksidente ang mga estudyante ng Bestlink College na dadalo sana sa isang camping sa Tanay.

TAGS: best link college, CHED, field trip, moratorium, school activities, Tanay accident, best link college, CHED, field trip, moratorium, school activities, Tanay accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.