Surigao airport, muling binuksan

February 24, 2017 - 04:55 AM

12surigao-quake1Bukas nang muli ang Surigao airport na naapektuhan ng magnitude 6.7 na lindol halos dalawang linggo na ang nakalilipas.

Sa inilabas na Notice To Airmen (NOTAM) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) inanunsyo nito na maari nang muling gamitin ang naturang paliparan para sa papalapag at papaalis na eroplano.

Gayunman, limitado muna sa mga turbo propelled planes dahil nasa 1,000 metro pa lamang ng kabuuang 1,700 meters ng runway ang idineklarang ligtas nang gamitin sa kasalukuyan.

Inaasahang sa susunod na siyam na buwan, tuluyan nang makukumpuni ang Surigao airport.

Noong February 10, nasira ang malaking bahagi ng runway ng Surigao airport dahil sa malakas na lindol na tumama sa naturang lalawigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.