LP senators nagbigay ng full support kay De Lima

By Den Macaranas February 23, 2017 - 07:42 PM

De Lima grim
Inquirer file photo

Tinawag na political harassment at political persecution ng mga senador na miyembro ng Liberal Party ang nakatakdang pag-aresto kay Sen. Leila De Lima.

Sa kanilang pahayag, kanilang sinabi na hindi ang Regional Trial Court bagkus ay ang Sandiganbayan ang may hurisdiksyon sa kaso ng mambabatas dahil ginawa umano niya ang mga bintang sa kanya noong siya ay kalihim ng Justice Department pa lamang.

Imposible rin umanong nabasa lahat ni Muntinlupa RTC Branch 204 Judge Juanita Guerrero ang inihaing motion to quash ng mga abogado ni De Lima dahil kagagaling lamang nito sa bakasyon sa Macau.

Malalagay rin daw sa panganib ang buhay ni De Lima at baka mangyari umano sa senador ang kinahinatnan nina dating Albuera Leyte Mayor Espinosa at Jee Ick Joo na namatay sa kamay ng mga alagad ng batas.

Kanina ay nakipag-ugnayan rin sa pamunuan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Sen. Antonio Trillanes hingil sa posibilidad na hayaang makauwi sa kanyang bahay si De Lima at bukas na lamang susuko sa mga otoridad.

Kaninang hapon ay naglabas ng warrant of arrest si Guerrero laban kina De Lima, dating NBI Deputy Director at Bureau of Corrections Officer-in-Charge Rafael Ragos at sa dating driver at lover ng senador na si Ronnie Dayan.

TAGS: de lima, duterte, liberal party, warrant of arrest, de lima, duterte, liberal party, warrant of arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.