Malacañang napikon sa pagtawag kay Duterte na bagong Marcos

By Den Macaranas February 23, 2017 - 05:08 PM

FM-Duterte
Photo: Radyo Inquirer

Pumalag ang Malacañang nang tawagin ni dating Sen. Rene Saguisag na “new Macoy” si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna na kasing sinabi ni Saguisag na hindi dapat balewalain ng pamahalaan ang EDSA 31st anniversary commemoration dahil malaking bahagi ito ng ating kasaysayan.

Sinabi ni Saguisag na walang aasahan ang mga Pinoy dahil sa mala-Marcos na administrasyon ni Duterte.

Sa kanyang panig, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mali na ikumpara si Duterte kay Marcos.

Bagaman simple ang selebrasyon, sinabi ni Abella na hindi naman ito nangangahulugan na binabalewala ng pamahalaan ang diwa ng EDSA.

Ang ika-31 taong selebrasyon ng EDSA People Power 1 ay gaganapin sa Biyernes, February 24 sa loob ng Camp Aguinaldo.

Hindi dadalo si Pangulong Duterte sa selebrasyon kung saan ay kakatawanin siya ni Executive Sec. Salvador Medialdea.

TAGS: abella saguisag, duterte, Marcos, abella saguisag, duterte, Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.