Lider ng Khadaffy carnapping group, arestado sa Quezon City
Arestado ang lider ng notorious na Khadaffy Crime Group na nakilalang si Jonathan Fernandez, 33-anyos, kasama na ang miyembro nito na si Anastacio Sta. Cruz, 31-anyos, matapos ang isinagawang operasyon ng DSOU o District Special Operation Unit ng QCPD Karingal sa Seminary Road 10, Brgy. Bahay Toro, Quezon City.
Ayon sa team leader ng DSOU na si PSI Paterno Domondon, kalalaya lamang ngayong buwan ng dalawa para sa kasong robbery holdup.
Isang intel report umano ang nakuha ang DSOU na muling bumuo ng grupo si Fernandez na kilala sa tawag na alyas Khadaffy.
Pinasok na rin ng grupo ang pagtutulak ng iligal na droga, carnapping at gun for hire.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng police operation ang DSOU Karingal sa nabanggit na lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa.
Nakuha kina alyas Cadaffi at Sta. Cruz ang 33 sachet ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P37,000, cash na aabot sa limang libong piso, isang 9mm na baril at isang 45 caliber pistol.
Nahaharap ang mga suspek sa patung-patong na kaso na wala umanong kaukulang piyansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.