Pres. Duterte, malabong makadalo sa EDSA People Power anniversary

By Jay Dones February 23, 2017 - 04:25 AM

 

Presidential photo

Hindi na inaaasahan sa selebrasyon ng 1986 EDSA People Power revolution sa Byernes ang presensya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa opisyal na ‘progam of activities’ na binuo ng Palasyo ng Malacañang hindi kasama sa listahan ang pangalan ng pangulo at sa halip, si Executive Secretary Salvador Medialdea ang magsisilbing guest of honor sa okasyon.

Sa halip, sa isang event sa Davao city naka-schedule na dumalo ang pangulo sa Byernes.

Ayon kay peace adviser Jesus Dureza, pangungunahan ng pangulo ang launching ng pinaigting na kampanya upang maipatupad ang Comperehensive Agreement on the Bangsamoro sa Davao.

Matatandaang pinasimple na lamang ngayong taon ang selebrasyon ng EDSA People Power revolution sa ilalim ng Duterte administration.

Sa halip na sa EDSA people power monument, sa loob na lamang ng Kampo Aguinaldo isasagawa ang seremonya sa Byernes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.