Malakanyang pumalag sa ulat ng Amnesty International
Mariing kinontra ng Palasyo ng Malacanang ang naging pahayag ng Amnesty International na isa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pinuno ng bansa na nagpapatupad ng ‘toxic agenda’ na lumalapastangan sa karapatang pantao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi ito ang pananaw ng mga pilipinong buo ang suporta kay Pangulong Duterte
Iginiit din naman ni Abella na hindi kinukunsinte ng administrasyon ang extrajudicial killings at sa katunayan ay mahigit 1 milyon na ang sumukong drug users at pushers at pagkakahuli sa mga malalaking drug laboratories. .
Sa kabila ng puna ng Amnesty International ay hindi aniya mapapagod ang administrasyon na ipatupad ang ipinangakong magandang pagbabago sa bansa sa pamamagitan ng political and socio economic reforms para mapaganda ang buhay ng bawat Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.