Moratorium sa mga field trip, ipapatupad na rin ng DepEd

By Alvin Barcelona February 23, 2017 - 04:21 AM

 

INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Mag-iisyu na rin ng Department of Education (DepEd) ng moratorium sa mga field trips sa lahat ng mga public elementary at secondary schools hanggang June 2017.

Kasunod ito ng bus accident sa Tanay, Rizal na ikinamatay ng labinlima katao karamihan ay mga college students.

Ito ang napagkasunduan sa isinagawang konsultasyon ni Education Secretary Leonor Briones sa mga regional directors ng kagawaran.

Ang moratorium ay tatagal ng tatlo hanggang apat na buwan para magkaroon sila ng pagkakataon na marebisa ang mga polisiya nila at maiparating ang mga implementing details nito sa kanilang mga regional offices.

Kabilang sa isasailalim sa review ang mga usapin tulad ng matututunan ng mga estudyante , seguridad at kaligtasan ng mga idaraos na field trips.

Pag-uusapan din aniya nila ang mga accountabilities dito ng mga paaralan, magulang at iba pang ahensya ng gobyerno.

Paglilinaw ng DepEd, ang mga paaralan na nakakuha na ng mga permits at may mga naisapinal nang kontrata ay maaring ituloy ang mga naka-schedule na nitong field trip sa kondisyong mahigpit na maipapatupad kanilang ang mga safety guidelines.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.