Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ipatutupad bukas, August 18

August 17, 2015 - 06:45 AM

Oil photo genericMatapos ang ilang linggong sunod-sunod na pagbaba, tataas naman ngayong linggo ang presyo ng produktong petrolyo.

Tinatayang aabot sa P0.25 hanggang P0.40 ang madaragdag sa presyo ng kada litro diesel habang P0.15 hanggang P0.25 naman ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Itinuturong dahilan ng ipatutupad na dagdag sa presyo ang ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.

Samantala, sa presyo ng gasolina, posibleng magpatupad naman ng kaltas ang mga kumpanya ng langis ng P0.20 hanggang P0.40 sa kada litro.

Sa pinakahuling oil price monitoring ng Department of Energy (DOE) ang presyo ng kada litro ng diesel ay naglalaro na ngayon sa P24.40 hanggang P27.65 kada litro. Ang presyo naman ng gasolina ay naglalaro sa P38.77 hanggang P44.92 noong nakaraang linggo./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: oil price adjustment, oil price adjustment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.