Aabot sa limampu’t pitong snow monkeys ang pinatay sa pamamagitan ng lethal injection sa isang zoo sa northern Japan.
Ito ay matapos madiskubre na may dala ang mga nasabing snow monkey na genes ng isang “invasive alien species”.
Ayon sa Chiba Takagoyama Nature Zoo, lumabas sa DNA testing na ang mga nasabing unggoy ay na-crossbreed rhesus macaque.
Ang rhesus macaques o snow monkey ay isa sa mga major tourist attraction sa Japan.
Pero ang ganitong uri ng unggoy ay mahigpit nang ipinagbabawal sa nasabing bansa, partikular na ang pag-aalaga dito, batay na rin sa Japanese law.
Sinabi ng isa sa mga opisyal sa Chiba na kinailangan patayin ang mga snow monkey para maprotektahan ang kanilang kapaligiran.
Sa kabila nito, nagsagawa naman ng memorial service ang operator ng Takagoyama Nature Zoo malapit sa Buddhist temple para sa kaluluwa ng mga napatay na unggoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.