2 bus lines, ipatatawag ng LTFRB dahil sa aksidente sa Tanay, Rizal

By Kabie Aenlle, Mariel Cruz February 22, 2017 - 08:03 AM

Tanay accident1Pinadalhan na ng show-cause order ng LTFRB ang Panda Coach Tours and Travel Inc. pati na ang Haranha Tours Inc. para sa pagdinig na gaganapin sa susunod na linggo kaugnay ng malagim na aksidente sa Tanay, Rizal noong Lunes kung saan 15 katao ang nasawi.

Ang bus unit na ipinadala ng Panda Tours ay ang sinakyan ng mga estudyante patungo sa Tanay, Rizal para sa kanilang training seminar sa ilalim ng National Service Training Program (NSTP).

Ang Haranha Tours naman ang talagang inarkila ng Best Link Colleges of the Philippines para sa nasabing field trip.

Paliwanag ng dalawang kumpanya, nagko-kontratahan sila talaga tuwing kinukulang sila ng unit ng bus.

Mariing iginiit naman ng Panda Tours na ang nasa maayos na kondisyon ang bus na ginamit ng mga estudyante.

Ayon sa LTFRB, ang show-cause order ay kanilang mensahe sa Harana Tours na hindi sila makakalusot sa imbestigasyon kahit hindi sila ang pangunahing sangkot sa aksidente.

Sa labing limang nasawi sa aksidente kabilang na ang isang teacher at driver ng bus, karamihan dito ay mga college students.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.