China, napagkaisahan ng mga ASEAN members

By Kabie Aenlle February 22, 2017 - 05:12 AM

yasayLubhang nababahala ang karamihan sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa itinayong weapon systems ng China sa pinag-aagawang South China Sea.

Dahil dito, ayon kay Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr., nagkaisa ang mga foreign ministers ng ASEAN members na ipabaklas na sa China ang nasabing weapon systems.

Nagdesisyon aniya ang mga miyembro na ipatanggal na ito sa China, upang mapigilan ang patuloy na isinasagawa nitong militarisasyon sa kontrobersyal na rehiyon sa pamamagitan ng isang binding code of conduct.

Aniya, maraming foreign ministers ang nakapansin ng pagtatayo ng China ng mga weapon systems sa rehiyon, at nababahala sila dito dahil maari nitong paigtingin lalo ang tensyon sa South China Sea.

Sakali aniyang tumanggi ang China na tanggalin ito, mapipilitan sila na gamitan ng pwersa ang pag-tanggal dito, ngunit ayaw naman nila itong humantong sa ganoong sitwasyon.

Gayunman, nakatitiyak sila na papayag ang China na baklasin ang pasilidad nito kung magiging bahagi sila ng isang binding code of conduct sa South China Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.