Pagsusulong ng isa sa mga kasong graft at malversation laban kay Janet Lim Napoles, kinatigan ng SC

By Jay Dones February 22, 2017 - 04:17 AM

 

napolesKinatigan ng Korte Suprema ang pagsusulong ng pagsasampa ng kasong graft at malversation laban sa umano’y pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles na inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan.

May kaugnayan ang naturang kaso sa diumano’y maling paggamit ng P27.5 milyong pisong Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng noo’y Congressman ng Agusan Del Sur na si Rep. Rodolfo Plaza sa pagitan ng taong 2004 hanggang 2010.

Sa desisyon ng Korte Suprema, kinatigan nito ang naunang desisyon ng Ombudsman na may ‘probable cause’ sa naturang reklamo.

Wala rin aniyang paglabag sa panig ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales nang isulong nito ang paghahain ng reklamo laban kay Naploes at sa driver nitong si John Raymund De Asis at dating National Agribusiness Corp. president Alan Javellana.

Ayon pa sa SC, ang mga argumento ring inilatag ng kampo ni Napoles sa kanyang petition for certiorari ay dapat na iharap nito sa isang pormal na pagdinig at hindi sa preliminary investigation.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.