74 bangkay ng mga refugees, lumutang sa baybayin ng Libya
Umaabot sa 74 na bangkay ng mga refugees na tumatawid ng dagat ang lumutang at napadpad sa baybayin ng Al-Zawiya city sa western Libya sa nakalipas na dalawang araw.
Ayon sa Libyan Red Crescent, natagpuan ang mga bangkay ng mga refugees sa Al-Zawiya beach, sa Western Libya ng mga residente.
Karamihan sa mga biktima na nasawi sa pagkalunod ay mga kababaihan at hinihinalang nagmula sa mga bansa sa Africa.
Kalimitang ginagamit ng mga refugees ang Libya bilang kanilang departure point upang makatawid sa Mediterranean Sea patungo sa mga bansa sa Europa tulad ng Italy.
Gayunman, kalimitan sa mga barkong ginagamit ng mga ito sa pagtawid ng dagat ang lumulubog dahil sa overloading kaya’t marami ang nasasawi sa pagkalunod.
Sa datos, tinatayang umaabot sa 181,000 migrants ang tumawid sa Mediterranean noong 2016.
Nasa halos 4,500 sa mga ito ang nalunod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.