Lookout bulletin order, inilabas laban sa tatlo pang suspek sa rent-tangay scam
Naglabas si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ng immigration lookout bulletin order laban sa mga suspek ng rent tangay scheme na nambiktima ng higit isang daan car owners.
Sa kanyang memorandum, inutusan ni Aguirre ang Bureau of Immigration na isama sa lookout bulletin order sina Ana Pamplona Borton, Lea Constantino Rosales at Rafaela Anunciacion.
Inutos ito ng kalihim para hindi mawalan ng saysay ang imbestigasyon ng NBI ukol sa anomalya.
Inatasan ni Aguirre si Immigration Commissioner Jaime Morente na ialerto ang lahat ng immigration officers sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa.
Una nang naglabas ang lookout bulletin order laban sa isa pang suspek na si Tychicus Historillo Nambio.
Inutusan din ng kalihim ang NBI na mag-imbestiga matapos ang pulong sa mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.