Mga estudyante na kabilang sa aksidente sa Tanay, Rizal hindi pinilit na sumama sa field trip ayon sa pamunuan ng paaralan
Nilinaw ng pamunuan ng Bestlink College of the Philippines (BCP) na wala silang pinilit sa mga estudyante na kabilang sa mga naaksidente sa Tanay, Rizal na sumama sa camping.
Ito ay bilang tugon sa mga magulang ng mga estudyante na nagsasabi pinilit ang kanilang mga anak na sumama sa naturang tour.
Ayon kay BCP Vice President for Academics Dr. Charlie Cariño, nagbigay sila ng sulat sa mga magulang kung saan nakasaad kung gusto nila pasamahin o hindi ang kanilang anak.
Desisyon aniya ng mga magulang kung papayagan nila o hindi ang kanilang mga anak na lumahok sa nasabing camping.
Pero bago ito, isang magulang ang nagsabi na kung hindi nila pasasamahin ang kanilang anak sa camping ay ibabagsak sila sa klase.
Tinatakot aniya ang mga estudyante na kung hindi sasama sa fieldtrip ay ibabagsak sila sa kanilang mga subject.
Noong nakaraang Lunes ng gabi, lumusod sa BCP sa Quezon City ang mga magulang ng mga estudyante na biktima sa malagim na aksidente sa Tanay, Rizal.
Sinabi pa ni Cariño na ang Haranha Tours ang kanilang nakausap para sa nasabing field trip pero laking gulat nalang nila na ang mga bus ng Panda Coach Tours ang dumating.
Tiniyak ng pamunuan BCP na sasagutin nila ang lahat ng gastusin ng mga biktima sa ospital at punerarya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.