Moratorium sa field trips ng mga estudyante, isusulong sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali February 21, 2017 - 10:35 AM

congress1Iginigiit ngayon ni House Metro Manila Development Committee Chairman Winnie Castelo na magkaroon na ng moratorium o ipagbawal na ang field trips ng mga estudyante.

Ito ang kanyang suhestiyon sa Department of Education at Commission on Higher Education kasunod ng malagim na aksidente sa Tanay, Rizal kung saan nasawi ang labing apat na estudyante ng Bestlink College na sakay ng isang unit ng Panda Coach.

Sinabi ni Castelo na bukod sa hindi malinaw kung ano ang relevance ng field trips sa pag-aaral ng mga estudyante, hindi rin umano natitiyak ang kanilang kaligtasan.

Pinaiimbestigahan at ipinasasara na rin ni Castelo sa DepEd at CHED ng mga paaralan na namimilit sa mga estudyante na sumama sa field trips.

Para naman kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, nakakalungkot ang trahedyang nangyari sa mga estudyante na magka-camping lang sana.

Pero kailangan aniyang kalampagin ang LTO at LTRFB para masiguro ang roadworthiness ng mga bus na binibigyan ng prangkisa.

Ani Vargas, masyadong luma at gasgas na ang palusot na sa tuwing may malagim na aksidente ay nawalan umano ng preno ang sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.