Dagdag na mga suspek kakasuhan sa Jee Ick Joo slay case
Dalawa pang mga suspek sa Jee Ick Joo kidnap slay case ang kakasuhan ng Philippine National Police – Anti Kidnapping Group (PNP-AKG).
Sa panayam kay PNP-AKG Director S/Supt. Glenn Dumlao, hindi naman idinetalye o tinukoy kung pulis din ba o NBI operatives ang dalawa pang dagdag na suspek na umanoy may direktang partisipasyon sa krimen.
Samantala, nakatakda ng magsumite ang PNP-AKG ng dagdag na dokumento sa Department of Justice para maisama ang dalawa pang principal suspects sa kaso.
Kaugnay nito, nilinaw ni Dumlao na hindi Korean mafia ang nasa likod ng pagpatay kay Jee.
Bagaman, aminado si Dumlao na mafia-style ang pagdukot, pagpatay at pagcremate sa mga labi ng biktima.
Nauna nang isinalang sa re-investigation ng DOJ ang ilang mga suspek sa krimen na kinabibilangan nina Supt. Rafael Dumlao ng PNP-AKG, ang kanyang mga tauhan na sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at SPO4 Roy Villegas.
Kasama rin sa mga isinalang sa paunang imbestigasyon ng DOJ sina NBI striker Jerry Omlang, dating pulis at may-ari ng Gream Funeral Homes na si Gerardo Santiago, Ramon Yalung at Christopher Alan Gruenberg.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.