Malacañang at SSS sinisi sa mabagal na release ng dagdag pension
Pinagpapaliwanag ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang Malacañang at Social Security System (SSS) kung bakit hindi pa ibinibigay ang dagdag pensiyon sa mga senior citizens na miyembro ng SSS.
Ayon kay Zarate, napakaraming tanong at reklamo mula sa mga pensioners ang natatanggap ng kanyang opisina kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay ang dagdag na pensiyon.
Sa plano ng SSS, ibibigay dapat ang unang P1,000 dagdag pensiyon sa noon pang Enero o ngayong bago magtapos ang Pebrero habang ang sunod na dagdag na P1,000 ay ibibigay sa taong 2020.
Subalit paliwanag ng SSS, ang pagkaantala ng pension hike ay dahil wala pa raw ang order mula sa Malacañang para maisakatuparan ito.
Pero giit ni Zarate, hindi katanggap-tanggap ang palusot na ito ng pamunuan ng SSS.
Hindi aniya dapat hayaan ng gobyerno na hindi na mapakinabangan ng SSS pensioners ang dagdag benepisyo na matagal nang hinihintay ng mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.