Umano’y kasunduan ng administrasyon at ni Napoles, tinawanan lang ng Malacañang

By Kabie Aenlle February 20, 2017 - 04:30 AM

 

Ernesto-Abella-0705Tinawanan lang ng Malacañang ang kumakalat na alegasyong pinoprotektahan nila ang hinihinalang pork barrel scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella, ginawa lang ni Solicitor General Jose Calida ang pinaniniwalaan niyang tama, matapos niyang i-apela sa Court of Appeals na i-abswelto si Napoles sa umano’y iligal na pag-ditine niya sa pinsan at dati niyang aide na si Benhur Luy.

Matatandaang ibinunyag ni Luy ang paggamit umano ni Napoles sa kaniyang mga pekeng foundations para mag-kamal ng P10 billion mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas.

Nang tanungin si Abella kung mayroon nga bang kasunduan ang administrasyong Duterte kay Napoles, natawa lang ang tagapagsalita at sinabing kaduda-duda ang alegasyong ito.

Umani ng pagbatikos ang desisyon ni Calida na maghain ng manifestagion sa Court of Appeals bilang suporta sa mosyon ni Napoles na ipawalang-bisa ang hatol sa kaniya.

Gayunman, iginiit ni Calida na bukod sa pagiging “defender of the republic,” ang Office of the Solicitor General (OSG) ay nagsisilbi ring taga-protekta sa mga mamamayan.

Bahagi aniya ng kaniyang tungkulin na ilabas ang katotohanan, at na huwag hayaan ang sinumang inosente na mahatulan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.