Nasaktan sa banggaan ng ferry at barge sa Mactan channel, umabot sa 49

By Jay Dones February 20, 2017 - 04:23 AM

 

Mula sa Cebu Daily News

Umakyat sa 49 ang kabuuang bilang ng mga nasaktan sa banggaan ng isang passenger ferry at barge sa Mactan channel, Cebu Sabado ng gabi.

Sa naturang bilang 45 ang nagtamo ng minor injuries at agad ring pinauwi samantalang ang apat ay na-admit pa sa ospital.

Nagsasagawa na rin ng malalimang imbestigasyon ang Philippine Coast Guard upang matukoy kung sino ang may pagkakamali kayat nangyari ang insidente.

Ayon kay Coast Guard Cebu Deputy Commander John Manuel Alip, kumakalap pa sila ng mga impormasyon upang matukoy ang mga pangyayari sa banggaan ng MV St. Braquiel ng SuperCat Fast Ferry Corp. ng 2Go Shipping Lines at SMC Barge No. 8 ng San Miguel Corp.

Nais matukoy ng mga otoridad kung alin sa dalawa ang lumampas sa itinatakdang 5 knots na speed limit sa mga sasakyang pandagat na tumatawid sa Mactan Channel noong panahong maganap ang banggaan.

Dakong alas-10:00 ng gabi Sabado, nahagip ng MV St. Braquiel na nagmula sa Ormoc City tungong Cebu City port ang barge na hila-hila noon ng tugboat na PSC Matatag.

Inaantabayanan pa rin ng Coast Guard Cebu ang ihahaing marine protest ng dalawang panig upang magsilbing bahagi ng mga batayan ng imbestigasyon sa pangyayari.

Isa rin sa sisiyasatin sa imbestigasyon ang alegasyong walang ilaw noon ang barge nang maganap ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.