AFP, hinihintay na lang ang pormal na kautusan sa pagsama sa pagsugpo sa ilegal na droga
Hinihintay na lang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang executive order para sa pagtulong nito sa giyera ng pamahalaan laban sa ilegal ng droga sa bansa.
Ayon kay AFP Chief Gen. Eduardo Año, ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang magging main operating unit habang ang AFP ay susuporta lang dito sa pamamagitan ng pagtatalaga ng karagdagang pwersa.
Inatasan ang PDEA na manguna sa kampanyan ng gobyerno laban sa ilegal na droga habang ang Philippine National Police (PNP) ay inaayos ang kanilang hanay kasunod ng pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick-joo ng umanoy ilang pulis.
Dagdag pa ni Año na magbabahagi sila ng intelligence information sa PDEA kaugnay ng anti-drug operations.
Aniya ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na guest of honor sa PMA alumni homecoming sa kapulisan at militar na tumulong sa kaniyang kampanya laban sa ilegal na droga ay napapanahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.