Malawakang tag-gutom, pinangangambahan matapos isara ang mga minahan sa Surigao del Sur

By Rod Lagusad February 19, 2017 - 04:24 AM
SURIGAO-del-sur-mapPinangangambahan na aabot sa 7,000 katao ang umaasa sa mga minahan sa Surigao del Sur ang magugutom bago pa makapagpatupad ng ecotourism program na siyang magbibigay ng alternatibong livelihood para ditto.

Ayon kay Surigao del Sur Gov. Vicente Pimentel Jr. at Cantilan Mayor Philip Pichay ay aabutin pa ng tatlo hanggang limang taon para tuluyang umunlad ang isang ecotourism industry.

Ipinag-utos ni Department of Environment and Natural Resources Secretary (DENR) ang pagpapasara ng nasa 23 mga minahan at ang pagkansela sa 75 Mineral Production Sharing Agreements (MPSA) kung saan 14 dito ay nasa Caraga region.

Inaasahan ni Lopez na ang naturang ecotourism ay mapapatupad sa loob lang ng dalawang taon at kanyang ipagpapatuloy na pagkasela sa mas marami pang minahan.

Ayon kay Pichay ang timetable ni Lopez na dalawang taon para sa pagkakaroon ng isang matatag na ecotourism industry ay hindi feasible o imposible.

Aniya aabutin ng tatlo hanggang limang taon para sa naturang alternatibong industriya na maging sustainable.

TAGS: Cantilan Mayor Philip Pichay, DENR, Department of Environment and Natural Resources Secretary, ecotourism, minahan, mine, Mineral Production Sharing Agreements, MPSA, surigao del sur, Vicente Pimentel Jr., Cantilan Mayor Philip Pichay, DENR, Department of Environment and Natural Resources Secretary, ecotourism, minahan, mine, Mineral Production Sharing Agreements, MPSA, surigao del sur, Vicente Pimentel Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.