DLSU Rufino Campus binuksan na

By Chona Yu February 18, 2017 - 02:07 PM

Rufino
Photo: Chona Yu

Mas makabago at tulad ng dati ay maipagmamalaking paaralan.

Ito ang bagong De La Salle University (DLSU) Rufino Campus sa Bonifacio Global City sa lungsod ng Taguig.

Ang Rufino Campus ang siyang magiging makabagong tahanan ng College of Law ng DSLU.

Ayon kay Carlos Rufino, Board of Trustee ng DLSU Rufino Campus, great tribute ito para sa kanilang pamilya lalo’t isinunod ang pangalan sa kanilang pangalan.

Sa ngayon, mayroong pitong daang estudyante ang DSLU Rufino Campus.

Bukod sa College of Law, pinag-aaralan na rin ngayon ng DSLU na mag-alok ng ibang kurso gaya na lamang sa sektor ng negosyo.

Ayon kay Rufino, hindi lang ang mga mayayaman ang maaring makapag-aral sa nasabing lugar.

Mayroon naman aniyang scholarship na inaalok ang eskwelahan para sa mga magagaling at matatalinong estudyante.

Para naman kay Brother Raymundo Belardo Suplido, DLSU President, isang milestone para sa unibersidad ang dagdag na bagong campus.

Ayon kay Suplido, ang Rufino Campus ay kanilang testament sa pagtataguyod ng maayos na educational system sa bansa para sa mga susunod na henerasyon.

Naniniwala rin ang nasabing opisyal ng DSLU na ang bagong campus ay magsisilbing training ground para sa mga susunod na lider ng ating bansa.

 

Rufino2
Photo: Chona Yu

TAGS: Bonifacio Global City, college of law, DLSU, rufino campus, Bonifacio Global City, college of law, DLSU, rufino campus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.