Kaninang 9:04 nang umaga dumating sa Fort del Pilar sa Baguio City si Pangulong Rodrigo Duterte para sa Annual Philippine Military Academy Homecoming kung saan siya ang special guest of honor.
Bago ang seremonya ay ininspeksyon ng pangulo ang barracks ng mga kadete sa kauna-unahang pagkakataon bilang pangulo.
Present din sa okasyon sina House Speaker Pantaleon Alvarez, Executive Sec Salvador Medialdea, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Manny Pacquiao at ang mga miyembro ng PMA Clas ’71 na sina Sen. Gringo Honasan at Ping Lacson.
Dumalo rin sa pagtitipon sina Defense Sec. Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon, AFP Chief-of-Staff Gen. Eduardo Año at PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa na miyembro ng PMA Class ‘86.
Samantala, pinakamatandang alumni na dumalo sa event ang 91-anyos na si Cavalier Delfin Castro ng PMA Class ’51 samantalang ang pinakabata naman ay ang 22-anyos na si Cavalier Carl Angelo Torres ng PMA Class 2016.
Kasabay ng okasyon ay nagpahayag ng suporta kay Pangulong Duterte ang mga miyembro ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMAAAI)
Sa pamamagitan ng isang board resolution ay pinagtibay ng PMAAAI ang membership ng pangulo.
Sa kanyang talumpati ay nagpasalamat si Duterte sa pag-adopt sa kanya bilang honorary member ng PMA Class ’67.
Hindi rin napigilan ng Pangulo na banggitin si Isnilon Hapilon na over-all leader ng ISIS sa bansa.
Ayon sa pangulo, na-predict niya umano na makakapasok sa bansa ang nasabing extremist group.
Kaugnay nito ay inatasan ni Duterte ang AFP at PNP na durigin ang nasabing grupo.
Sa kanyang talumpati ay binanggit rin ng pangulo ang banta ng climate change sa Mindanao at ang umanoy lumalaking agwat sa pagitan ng mga ng mayaman at mahirap.
Dahil dito, dapat umanong magtrabaho ang gobyerno para maibigay ang basic goods and services para sa kapakanan ng mamamayanang Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.