Kwento ng 14-anyos na nasawi matapos iligtas ang nalunod na kaibigan, viral sa social media

By Dona Dominguez-Cargullo February 17, 2017 - 01:12 PM

TiglapViral ngayon sa social media ang kwento hinggil sa pagkasawi ng isang high school student na taga-Sta. Cruz Maynila na nagligtas ng kapwa niya estudyante nalunod sa Zambales.

Sa Facebook page ng “Arellano Files” kinilala ang kabayanihan ni Mark Anthony Tiglao, 14-anyos at grade 8 student ng Cayetano Arellano High School.

Top 1 umao si Tiglao sa kanilang klase.

Ayon sa kwento, tumalon sa lawa sa Zambales si Tiglao kasama ang apat pang kaklase at sila ay nakunod.

Bagaman marunong lumangoy si Tiglao, sinagip umano nito ang kaniyang kaklase na hindi makalangoy.

Dahil dito, tuluyan nang lumubog si Tiglao at siya ang pinakahuling natagpuan ng mga rescuer.

Dagsa naman ang pakikiramay ng mga kaibigan at kaklase ni Tiglao sa kaniyang Facebook account.

 

 

TAGS: Mark Anthony Tiglao, zambales, Mark Anthony Tiglao, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.