Dagdag-singil sa kuryente posibleng abutin hanggang Mayo
Maaring tumagal hanggang sa buwan ng Mayo ang pagpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ng Meralco.
Ito ay kasunod ng 92 centavos kada kilowatt hour na dagdag para sa February billing na nauna nang inanunsyo ng Meralco.
Bukod pa sa power rate hike na ipatutupad din sa buwan ng Marso na hindi pa tinutukoy ang halaga.
Ayon sa Meralco, ang dagdag-singil hanggang Mayo ay bahagi ng kanilang recovery period.
Kabilang dito ang pambayad sa renewable sources ng energy at back-up power supply.
Pinayuhan naman ng Meralco ang publiko na samantalahin ang malamig pang panahon para makapagtipid-tipid sa kuryente.
Normal na din kasing kapag pumasok ang panahon ng tag-init ay nagkakaroon talaga ng mataas na konsumo sa kuryente ang mga consumer na nagreresulta sa mas mataas nilang bayarin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.