Business confidence sa bansa nananatili sa kabila ng kaganapan sa mining industry-DTI

By Jay Dones February 17, 2017 - 04:21 AM

 

Naniniwala si Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na nananatiling matatag ang tiwala ng mga negosyante sa bansa sa kabila ng kontrobersiyang napapaloob ngayon sa mining industry.

Ayon kay Lopez, wala pa naman silang nakikitang ‘spillover effect’ ng mga kaganapan sa sektor ng pagmimina sa iba pang industriya at maging sa general investment climate sa Pilipinas.

Naniniwala rin si Lopez na bagama’t kailangang isulong ang paglaganap ng pagnenegosyo, ay hindi naman dapat isinasakripisyo ang kalikasan.

Gayunman, dapat din aniyang bigyan ng kaukulang pagkakataon ang mga nasa mining sector na makasagot sa akusasyon at hindi agad dapat biglaang isinasara ang usapin.

Ang naturang isyu aniya ay ipinarating na rin nila at ng iba pang miyembro ng Gabinete kay Environment Secretary Gina Lopez.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.