Trillanes dini-destabilize ang Duterte administration-Cayetano
Gaya ng ginawa niya noong Administrasyon Arroyo, dine-destabilize din ni Senador Antonio Trillanes ang administrasyong Duterte, ayon kay Senador Alan Peter Cayetano.
Tugon ito ni Cayetano sa pagbuhay ni Trillanes sa alegasyong may dalawang bilyong pisong ‘undeclared funds’ si Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, dapat ay noong pang June 30 kung kailan wala pang presidential immunity si Duterte, isiniwalat ni Trillanes ang mga dokumentong magpapatunay sa alegasyon kung tunay mang kumpleto ang dokumento nito.
Naniniwala naman si Cayetano na masama lamang ang loob ni Trillanes dahil hindi siya ang piniling running-mate bilang bise presidente ni Duterte noong Eleksyon 2016.
Dagdag ni Cayetano, isa itong paraan ni Trillanes para pigilan ang mga reporma ng gobyerno ngayon dahil isa umano si Trillanes sa naapektuhan ng mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.