32 patay sa panibagong pagsabog sa Baghdad, Iraq

By Jay Dones February 17, 2017 - 04:17 AM

 

baghdad bombHindi bababa sa 32 katao ang nasawi samantalang marami pa ang nasugatan sa pinakahuling insidente ng pambobomba sa Baghdad, Iraq.

Ito na ang ikatlong kaso ng pambobomba na naganap sa tatlong magkakasunod na araw sa sentro ng Iraq.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang car bomb ang ginamit ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa pagpapasabog na ipinarada malapit sa isang car dealership.

Nitong nakaraang araw, isang suicide bomber ang nagpasabog ng truck na puno ng bomba sa isang Shiite community sa Baghdad kung saan siyam katao ang nasawi.

Apat katao naman ang namatay rin nang sumabog ang isang bomba sa loob ng nakaparadang sasakyan sa lungsod noong Martes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.