Sombero may naitagong P10M na dagdag sana sa P50M na ipinangsuhol sa dalawang BI officials

By Jan Escosio February 16, 2017 - 12:39 PM

INQUIRER PHOTO | LYN RILLON
INQUIRER PHOTO | LYN RILLON

Inamin ni retiradong police official na si Wally Sombero na mayroon siyang itinagong P10 milyong piso na dagdag sana sa naunang P50 million na ibinigay sa dalawang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na sina Al Argosino at Michael Robles.

Sa kaniyang pagharap sa senado, sinabi ni Sombero na P100 million ang inisyal na hinigi ni Arogsino para sa paglaya ng mga nahuling dayuhan na nagtatrabaho sa Fontana Leisure Park and Casino sa Pampanga.

Ang nasabing halaga na hiningi ni Argosino ay ikinonsulta sa gaming tycoon na si Jack Lam sa pamamagitan ng interpreter nitong si Alex Yu.

Ayon kay Yu, tumagal hanggang mag-uumaga bago napagpasyahan ang pagbibigay ng pera dahil kinailangan pang kausapin ni Lam ang mga business partners niya dahil ang pera ay hihiramin sa kumpanya.

Sa huli, nahiram din naman ang pera pero ayon kay Yu, napagpasyahan na P50 million muna ang ibigay sa hali na ang kabuuan ng P100 million na hinihingi ni Argosino.

Ani Yu, siya pa nga mismo ang inutusan ni Lam na magbigay ng nasabing pera kay Sombero.

Ayon naman kay Sombero, P50 milyon ang ibinigay niya kina Argosino at mayroon siyang itinagong P10 milyon pa dahil wala pa namang napapakawalang dayuhan.

Inamin ni Sombero na hanggang sa ngayon ay nasa kaniyang pag-iingat ang nasabing halaga at hindi pa niya naisasauli kina Lam.

 

 

TAGS: Alex Yu, BI bribery scandal, Wally Sombero, Alex Yu, BI bribery scandal, Wally Sombero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.