Dela Rosa, muling humingi ng paumanhin sa Korean community dahil sa Jee Ick Joo slay case
Humarap sa Korean Community sa Clark Pampanga si PNP Chief Ronald Dela rosa at personal na humingi ng paumanhin sa mga ito kaugnay sa Jee Ick Joo kidnap slay case.
Sa kanyang pagharap sa grupo ng mga South Korean national, sinabi rin ni Dela Rosa na dapat ay ang kaso ni Jee ang huli nang pagkakataon na mabibiktima pa ng krimen ang mga South Korean sa bansa..
Inamin rin ng PNP Chief na mga tiwaling tauhan ng Philippine National Police ang may kagagawan ng karumal-dumal na krimen at ang panghuhulidap sa tatlong turistang Korean national kamakailan.
Samantala, nagpasalamat naman kay Dela Rosa si Korean ambassador to the Philippines Kim Jae-Shin sa naging hakbang nito.
Nangako rin si Kim na patuloy na makikipagtulungan sa PNP upang maresolba ang kaso ng pagpatay kay Jee Ick Joo at sa iba pang mga kaso ng extortion na bumibiktima sa mga Koreano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.