Patay sa tama ng mga bala ang isang babaeng abogado sa Tagbilaran City, Bohol.
Kinilala ang nasawing biktima na si Atty. Mia Manuelita Cumba, 49-anyos na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sanhi ng pamamaril.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, sakay ang biktima ng kanyang kotse kasama ang tatlong anak at binabaybay ang kahabaan ng H. Zamora at Clarin St sa Dao, nang pagbabarilin ito ng nakamotorsiklong mga suspek.
Bagamat naitakbo pa ng mga concerned citizens ang biktima sa pagamutan, ay hindi na rin ito nasagip pa ng mga doktor.
Maswerteng hindi naman nasaktan ang tatlong anak ng abogada.
Kilalang environmentalist sa kanilang lugar ang biktima at kasapi ng Einvironmental Legal Assistance Center (ELAC).
Inaalam pa ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa likod ng pamamaslang sa biktima at kung may kinalaman ang mga kasong hawak nito sa pamamaslang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.