Muling pagdakip sa mag-asawang Tiamzon at iba pang NDFP consultants hiniling ng OSG sa korte

By Jay Dones February 16, 2017 - 04:25 AM

 

Inquirer file photo

Pormal nang hiniling ng Office of the Solicitor General sa Quezon City Regional Trial Court na ipag-utos ang muling pag-aresto sa mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon at iba pang pinalayang consultant ng National Democratic Front of the Philippines.

Sa inihaing manifestation ng OSG sa QCRTC Branch 216, hiniling nito na agarang kanselahin ng korte ang piyansa ng mag-asawa at iba pang mga NDFP consultants ngayong ipinahinto na ang peace talks.

Giit ng OSG, pansamantala o ‘conditional’ lamang ang pagpapalaya sa mga consultants dahil sa naganap na usapang pangkapayapaan sa Oslo, Norway.

At dahil sa tinapos na ito, dapat ay muling maibalik sa kulungan ang mga naturang personalidad.

Sa panig naman ng mag-asawang Tiamzon, hiniling naman ng abogado ng mga ito na huwag munang desisyunan ang naturang manipestasyon ng gobyerno upang hindi mabalewala ang mga napag-usapan sa peace talks.

Matatandaang kinansela ng pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatuloy ng peace talks sa komunistang grupo kamakailan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.