NPA, itinangging sila ang umatake sa convoy ng relief goods sa Surigao Del Norte

By Ricky Brozas February 15, 2017 - 10:35 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Mariing itinanggi ng New People’s Army (NPA) na sila ang responsable sa pananambang sa convoy ng Philippine Army at team ng ABS-CBN na naghatid ng relief goods sa mga biktima ng lindol sa Surigao del Norte, Martes ng gabi.

Ayon kay ka “Ka-Oto”, tagapagsalita ng Guerilla Force 16 ng NPA, malabong mga katropa nila ang nanambang dahil may ipinatutupad silang unilateral ceasefire sa lalawigan dahil sa kalamidad.

Sa katunayan, maging sila man umano ay tumutulong din sa mga biktima ng lindol.

Samantala, sa hiwalay naman na panayam sa isang local radio station sa CARAGA Region ay sinabi ni Lt. Col. Rico Amaro, commander ng 30th Infantry Battalion ng Philippine Army na mahirap paniwalaan ang ceasefire declaration ni Ka-Oto dahil hindi naman ito sinusunod ng kanyang mga galamay sa ibaba o ng kanilang tinatawag na “Militia ng Bayan”.

Ayon kay Amaro, dismayado siya sa pangyayari.

Nabatid na hindi naman tumagal ang putukan na ayon kay Amaro kaagad ding natapos.

Una nang sinabi ni Capt. Joe Patrick Martinez ng 4th Infantry Division, kasama ng grupo ng NGO ang mga tauhan ng 30th Infantry Battalion Civil Military Operations officer habang pabalik sa Surigao City mula sa pagdadala ng relief goods.

Nangyari ang pag-atake sa Brgy. Linunggaman sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte, dakong alas-8:30 ng gabi ng Martes.

Wala namang nasaktan sa pananambang.

 

TAGS: Attack, NPA, surigao, Attack, NPA, surigao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.