Palasyo, itinangging nanghihingi ng pera para sa mga biktima ng lindol
Nilinaw ng palasyo ng Malakanyang na hindi nanghihingi ng pera ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga nabiktima ng lindol sa Surigao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, may sapat na pondo ang pamahalaan para ayudahan ang mga naapektuhan ng lindol.
Gayunman, sinabi ni Abella na welcome sa Palasyo ang anumang tulong na ibibigay sa mga biktima lalo’t kailangan nila ngayon ang maiinom na tubig.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Abella ang local government officials na iwasan nang hintayin pa ang pangulong Rodrigo Duterte bago magbigay ng relief goods sa mga nasasalanta ng anumang uri ng kalamidad.
Malinaw naman aniya ang naging direktiba ng pangulo na ayaw nito ng mga ceremonial relief distribution.
Matatandaang una nang umangal ang mga naapektuhan ng lindol sa Surigao dahil matagal na pagbibigay ng relief packs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.