2 lalaki natagpuang patay sa gilid ng C-6 Rd., Taguig City

By Cyrille Cupino February 14, 2017 - 08:22 AM

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Dalawa ang natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa gilid ng C-6 Road, Brgy Hagonoy, Taguig City.

Nakita ang mga biktima na magkatabi habang nakadapa malapit sa damuhan at nasa likod ang mga kamay.

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Jeric Bernas, tinatayang nasa 32 hanggang 35 ang edad, at residente ng Brgy. San Martin de Porres, Parañaque City.

Ang isang biktima naman ay nakasuot ng fatigue na pantalon, at hindi pa rin nakikilala hanggang sa ngayon.

Nagtamo ang mga tama ng bala sa ulo ang mga biktima.

Kwento ng mga driver ng truck na naka-parada sa lugar, walong putok ng baril ang kanilang narinig, pero hindi nila nakita kung sino ang mga suspect.

At narinig umano nila ang mga biktima na nagmamakaawa sa mga suspect na huwag silang patayin.

Batay naman sa salasay ng kaibigan ng biktima na si Narayan Caraga, habang naka-tambay sila, nakita niya si Bernas naka-angkas sa motorsiklo at naka-posas pa ang mga kamay.

Paliwanag ni Caraga, negatibo sa drug test ang kanyang kaibigan, at wala rin naman umano ito sa drug watchlist.

Kwento naman ng kapatid ng isang biktima, dinampot sa kanilang bahay ang kanyang kuya ng mga lalaking nakasuot ng maskara.

Nagsisisigaw ang kapatid ng biktima nang makumpirma na kanyang Kuya ang isa sa mga pinatay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Taguig City Police sa naturang pagpatay, at inaalam kung mga pulis ang dumampot sa mga ito.

 

TAGS: c6 road, summary execution, taguig, c6 road, summary execution, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.