Publiko, pinag-iingat sa “the Big One”

By Kabie Aenlle February 14, 2017 - 04:49 AM

 

Surigao aerialMatapos ang pag-tama ng magnitude 6.7 na lindol sa Surigao del Norte noong Biyernes ng gabi, nanawagan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa publiko na paghandaan ang posibleng pagtama ng “the Big One” dito sa Metro Manila, at mga kalapit na bayan.

Partikular na pinaalalahanan ni PHIVOLCS director Renato Solidum ang mga residenteng nakatira sa mga lugar na nasa ibabaw ng West Valley Fault, sa posibleng pagyanig nito na magdudulot ng magnitude 7.2 na lindol.

Ayon kay Solidum, dapat alalahanin ng publiko na kung naging mapaminsala ang magnitude 6.7 sa Surigao del Norte, mas matindi pa ang magiging epekto ng ganito kalakas na lindol kung mangyayari ito sa isang highly urbanized area tulad ng Metro Manila.

Base sa pag-aaral ng mga eksperto, gumagalaw ang West Valley Fault halos kada 400 taon, at ang pinakahuling malakas na lindol na idinulot nito ay noong 1658 o 357 taon na ang nakalilipas kaya posibleng mangyari na ito anumang oras.

Ayon naman sa isa pang pag-aaral na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency, ang magnitude 7.2 na lindol na tinatawag ngayon ng PHIVOLCS na “the Big One” ay maaring kumitil sa buhay ng hanggang sa 34,000 katao, at ikasugat ng nasa 100,000 katao.

Samantala, nilinaw naman ni Solidum na hindi magsisilbing trigger ang lindol sa Surigao para gumalaw ang West Valley Fault.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.